Monday 18 April 2011

Phở Hoa

Vietnamese Cuisine!! :)) Yummy. Merienda time at nagpa-deliver kami ng Phở Hoa. Mejo may kamahalan itong merienda na ito! Noodle House talaga ito, specialty nila, (sayang di kami umorder, nag-ccrave pa naman ako sa sabaw ng mga panahon na yan). May mga rice meals din sila. Pero kung feel mo magpaka-vegetarian okaya diet mode ka, pwedeng pwede ka umorder ng mga veggie treats nila.



Heto ang Pomelo Shrimp Salad nila, na may pomelo malamang, lettuce,shrimp, shredded kani sticks at carrots. Yung vinaigrette nya, di ko masyado madescribe, parang juice ng pomelo. Nagugutom ako habang dinedescribe ko.




Fresh Spring Roll Vegetarian/ Shrimp and Pork. Nasa pangalan naman na yata yung contents nya. Sa rice paper roll sya nakabalot at may vermicelli noodles din sya sa loob. Eto ang masarap dyan! Ang peanut sauce na sawsawan ng spring roll.


It won't be the same without this peanut sauce!

Yung Pomelo Shrimp Salad ay Php200 at yung Spring Rolls ay Php127. So ayun tapos na tayo sa starters, yung main naman. Wow ah! Meryenda,kanin agad! Anyway ang sarap naman kasi, unang natikman ko sa Phở Hoa ay yung Kung Pao Chicken nila, mejo lunod sa sauce,kaya nakakaumay, pero masarap kasi maanghang, eh naisip ko rich na yung peanut sauce e yun pa naman ang paborito ko talaga, kaya yung Beef Brisket naman ang sinubukan ko. Mejo nag aalangan pa ako kasi baka hindi masarap, nagdadalawang isip, dahil tried and tested na ang Kung Pao Chicken. Go pa din ako sa Beef Brisket, para maiba naman. Kung anong inexpect ko na lasa at na-imagine ko, yun talaga! SARAP!! Manamis-namis at sobrang lambot ng karne.


Beef Brisket on Rice (Natatakam ako ngayon!!) Di kita yung rice.
  
Kung Pao Chicken with Peanuts and Red Chili
 
 
Php195 ang Beef Brisket at Php220 ang Kung Pao Chicken. :))



Rating:

Price - 5/10

Taste - 8/10

Minimum order of P500.00. Delivers in 45 - 75 minutes.


Branches:

Alabang Town Center
Eastwood City Walk 1
Greenbelt 1
SM City North Edsa
SM Mall Of Asia
San Juan
SM Megamall Mega B 





Thursday 7 April 2011

Chili's!

Pag sinabeng "Chili's" akala mo as in puro maanghang ang pagkain nila. Hindi naman. Halong American and Mexican cuisine ang sine-serve nila. Specialty nila ang Ribs, Burgers, Barbecue, Steaks, Chili's Mushroom Jack Fajitas. Pero kaya ako kumain dito dahil Burger Day nila!! Alam ko once a year lang ang Burger Day na yan. So ayun, 50% off ang burgers nila. Regular price is Php360 so nasa mga Php130 isang burger kasama na service charge. O diba pwede na!


 
  Heto ang Bacon Burger ng Chili's. Best seller sa pag kakaalam ko.
 
 

Mas drooling ang ichura neto kesa sa previous post ko ng Johnny Rockets burger.


Juicy ang patty nya, uber juicy, kaya kung makikita nyo yung picture na ubos ko na e halos durog-durog na yung papel na pinagpatungan. Pero di mo na iindahin yun dahil masarap talaga! Ang fries... okay naman, pare-parehas at iisa lang naman ata ang lasa ng fries. Yung ibang burgers nila, tulad ng Mushroom Swiss (eto ang una kong natikman), medyo dry ang patty dahil grilled sya, pero karneng-karne talaga ang lasa, at malalasahan mo pa yung uling (exagg). Meron din itong blue cheese. May pagka plain ang rekado ng Mushroom Swiss dahil simpleng mushroom at cheese lang ito compare sa Bacon Burger na juicy at may kung ano-anong pampalasa. Bumawi lang ang Mushroom Swiss sa patty, kung ang taong kakain neto ay mahilig sa uber grilled at beefy taste. Kaumay nga lang! At least ang Bacon Burger may burst ng flavors.


Kapag Burger Day dapat agahan, dahil madaming tao, tulad ko, at ng mga kasama ko, waiting pa ng table. Pero sulit naman. Hindi na ako masyadong nakapag picture dahil masyado na akong natatakam sa burger na yan. Muntik ko pa makalimutan, yung tipong maalala mo nalang kapag naubos mo na. Eto ang ebidensyang naubos ko ang burger. Medyo matagal nga lang. Gusto ko naman namnamin no! Saka kahit gutom ako, dahan-dahan lang ang pagkain :))


Rating:

Price - 10/10 (Kapag burger day. HAHAHA!)

Taste - 10/10

Ambience - 6/10



Location : Chili's Tomas Morato

199 Tomas Morato Ave. cor. Scout Fernandez
Quezon City, Metro Manila, Philippines


(02) 372-5007, (02) 375-5017











Johnny Rockets

I love Johnny Rockets, lalo na yung ambiance. If ever mag-tayo ako ng sariling restaurant, gusto ko, diner yung ichura nya. Well kaso meron na pala dito nyan. Anyway, dito sa Johnny Rockets, eat all you can ang fries kaya sulit na din ang punta dito. May kamahalan ng konti ang burgers nilang napakasarap (yung tipong maglalaway ka habang pumipili sa menu, hindi makapag-decide kasi mukang masarap lahat, kahit walang pictures, description palang at maganda ang combination ng ingredients). Pumapatak sa 200 ang pinaka cheap nilang burger, kaya yun lang muna ang sinubukan ko. :)


 Kaya kalahati yung burger kasi pwede mag sharing :))

Medyo hindi appetizing yung shot ko, excited na kasi ako kainin. Pero kakaiba sya! Juicy yung patty tapos kahit konti lang yung rekado, malasa na. Madami pa silang burger, na mas bongga ang laman, pero yung parang "classic" burger lang muna nila ang inorder ko.



 Kahit kalahati lang yung burger, nakakabusog na sya talaga. So para maubos siguro e kailangan gutom na gutom ka talaga!




Kain lang. . . . 





.....




Di ko na maubos! :)) Take out nalang!


May isa pa palang bagay na maganda dito sa Johnny Rockets. Dagdag sa diner ambiance, merong jukebox at pwede ka magpatugtog! 1 peso lang per song pero nung andon ako, pili lang ako ng pili, wala namang bayad. 



  At ang mga waiter at waitresses ay sumasayaw, kulang nalang mag roller skates sila, feel na feel ko talaga! Meron din silang milkshakes, rice meals at iba pa bukod sa burger at fries.






Next time sa bar counter naman ako pupwesto. :))




Rating:

Price - 6/10

Taste - 8/10

Ambience - 10/10 !!!!!



Location : Johnny Rockets Eastwood Branch

G/F Eastwood Mall, E. Rodriguez Jr. Ave., Bagumbayan, Libis
Quezon City, Metro Manila
Philippines

(02) 470-2117