Thursday 7 April 2011

Chili's!

Pag sinabeng "Chili's" akala mo as in puro maanghang ang pagkain nila. Hindi naman. Halong American and Mexican cuisine ang sine-serve nila. Specialty nila ang Ribs, Burgers, Barbecue, Steaks, Chili's Mushroom Jack Fajitas. Pero kaya ako kumain dito dahil Burger Day nila!! Alam ko once a year lang ang Burger Day na yan. So ayun, 50% off ang burgers nila. Regular price is Php360 so nasa mga Php130 isang burger kasama na service charge. O diba pwede na!


 
  Heto ang Bacon Burger ng Chili's. Best seller sa pag kakaalam ko.
 
 

Mas drooling ang ichura neto kesa sa previous post ko ng Johnny Rockets burger.


Juicy ang patty nya, uber juicy, kaya kung makikita nyo yung picture na ubos ko na e halos durog-durog na yung papel na pinagpatungan. Pero di mo na iindahin yun dahil masarap talaga! Ang fries... okay naman, pare-parehas at iisa lang naman ata ang lasa ng fries. Yung ibang burgers nila, tulad ng Mushroom Swiss (eto ang una kong natikman), medyo dry ang patty dahil grilled sya, pero karneng-karne talaga ang lasa, at malalasahan mo pa yung uling (exagg). Meron din itong blue cheese. May pagka plain ang rekado ng Mushroom Swiss dahil simpleng mushroom at cheese lang ito compare sa Bacon Burger na juicy at may kung ano-anong pampalasa. Bumawi lang ang Mushroom Swiss sa patty, kung ang taong kakain neto ay mahilig sa uber grilled at beefy taste. Kaumay nga lang! At least ang Bacon Burger may burst ng flavors.


Kapag Burger Day dapat agahan, dahil madaming tao, tulad ko, at ng mga kasama ko, waiting pa ng table. Pero sulit naman. Hindi na ako masyadong nakapag picture dahil masyado na akong natatakam sa burger na yan. Muntik ko pa makalimutan, yung tipong maalala mo nalang kapag naubos mo na. Eto ang ebidensyang naubos ko ang burger. Medyo matagal nga lang. Gusto ko naman namnamin no! Saka kahit gutom ako, dahan-dahan lang ang pagkain :))


Rating:

Price - 10/10 (Kapag burger day. HAHAHA!)

Taste - 10/10

Ambience - 6/10



Location : Chili's Tomas Morato

199 Tomas Morato Ave. cor. Scout Fernandez
Quezon City, Metro Manila, Philippines


(02) 372-5007, (02) 375-5017











5 comments:

  1. ikaw na amiga ang kain ng kain kung saan saan hmp!takaw talaga forever si luigi nanaman ba ang kasama mo kumain dito?

    ReplyDelete
  2. so eto na finallow ko na blog mo at ito ay dahil sa utos ng kaibigan mong si jaid. haha. joke! para namang pinuwersa.

    at tama ka, spicy foods kaagad naisip ko sa title ng post na 'to. Favorite ko naman kasi ang mga ganoon.

    so pwede bang mainggit? may feeling ako na lagi nalang ako maglalway sa tuwing magpopost ka. haha

    More power and welcome to the blogosphere!

    ReplyDelete
  3. Salamat boss!! Hahaha utos talaga?? Sige lang! Balik balik kayo ah. Kalat nyo pa tong blog ko at tatakamin ko kayo. :))

    ReplyDelete
  4. Jaid, salamat sa pag promote. Hahaha kala mo produkto amp.

    ReplyDelete
  5. i followed you, then follow me... ^^,

    malayo tayong magkaparehas ng theme don't worry kase di lang sa food ang takbo ng blog ko hihihi

    God Bless

    ^^,

    ReplyDelete