Thursday 7 April 2011

Johnny Rockets

I love Johnny Rockets, lalo na yung ambiance. If ever mag-tayo ako ng sariling restaurant, gusto ko, diner yung ichura nya. Well kaso meron na pala dito nyan. Anyway, dito sa Johnny Rockets, eat all you can ang fries kaya sulit na din ang punta dito. May kamahalan ng konti ang burgers nilang napakasarap (yung tipong maglalaway ka habang pumipili sa menu, hindi makapag-decide kasi mukang masarap lahat, kahit walang pictures, description palang at maganda ang combination ng ingredients). Pumapatak sa 200 ang pinaka cheap nilang burger, kaya yun lang muna ang sinubukan ko. :)


 Kaya kalahati yung burger kasi pwede mag sharing :))

Medyo hindi appetizing yung shot ko, excited na kasi ako kainin. Pero kakaiba sya! Juicy yung patty tapos kahit konti lang yung rekado, malasa na. Madami pa silang burger, na mas bongga ang laman, pero yung parang "classic" burger lang muna nila ang inorder ko.



 Kahit kalahati lang yung burger, nakakabusog na sya talaga. So para maubos siguro e kailangan gutom na gutom ka talaga!




Kain lang. . . . 





.....




Di ko na maubos! :)) Take out nalang!


May isa pa palang bagay na maganda dito sa Johnny Rockets. Dagdag sa diner ambiance, merong jukebox at pwede ka magpatugtog! 1 peso lang per song pero nung andon ako, pili lang ako ng pili, wala namang bayad. 



  At ang mga waiter at waitresses ay sumasayaw, kulang nalang mag roller skates sila, feel na feel ko talaga! Meron din silang milkshakes, rice meals at iba pa bukod sa burger at fries.






Next time sa bar counter naman ako pupwesto. :))




Rating:

Price - 6/10

Taste - 8/10

Ambience - 10/10 !!!!!



Location : Johnny Rockets Eastwood Branch

G/F Eastwood Mall, E. Rodriguez Jr. Ave., Bagumbayan, Libis
Quezon City, Metro Manila
Philippines

(02) 470-2117


1 comment:

  1. ang landee pumufood blog siya hahaha harot mo talaga forever..hehehe miss you na amiga =)

    ReplyDelete